Ang Nawawala


Kaba.

Takot.

Patuloy na tumatakbo sa madilim na lugar na ‘di mo mawari.

Buong puwersang kumakawala sa kadena na ikaw mismo ang nagtali.

Kasabay pa ng pakiramdam na para bang mag-isa pero ‘di mo maamin.

Takot sa bulong at sulyap ng mga tao sa paligid.

Paano nga ba tumakas sa rehas na ikaw ang mismong nagtayo?

Sino nga ba ang tunay na sayo ay magtatayo?

Ang Nawawala